Isang kumustahan kay Sec. Raul Gonzales ng DoJ
Kumusta naman Raul?! Iyong nasabi na ang Unibersidad ng Pilipinas, ang aking mahal na paaralan, ay training ground ng mga kalaban ng gobyerno. Tama ba naman iyan? Kumusta naman!
Kumusta naman Raul?! Ayon sa aking pagsasaliksik ukol sa iyong nakaraan, aking natagpuan na mayroon kang koneksyon sa Unibersidad. Nagsilbi kang lecturer sa UP Law Center. Ikaw rin ay kumuha ng iba't ibang pagsasanay o seminar sa Law Center at sa NCPAG, kapwa nasa Unibersidad na iyong binansagang kaaway ng gobyerno. Ibig bang sabihin ay kaaway ka rin nito? Kumusta naman!
Kumusta naman Raul?! Iyo bang napagtanto na ang ilan sa iyong mga kasama sa Gabinete ay mayroon ding koneksyon sa Unibersidad? Ang ibig sabihin ba nito ay kaaway din sila ng gobyerno? Kumusta naman!
Kumusta naman Raul?! Hindi mo ba nalalaman o napag-isip man lang na ang ilan sa iyong mga tauhan sa Kagawaran ng Hustisya ay mula rin sa Unibersidad na nabanggit? Sila ba ay kaaway ng gobyerno? Kumusta naman!
Kumusta naman Raul?! Alam mo ba ang iyong kasaysayan? Hindi ba't ilan sa mga naging Pangulo ng bansa, mga Senador, mga Kongresista (siya nga pala, ikaw rin ay naging Kongresista), at ilan sa mga pinuno ng mga kakampi mong lider ng civil society ay nagtapos din sa Unibersidad? Kumusta naman!
Kumusta naman Raul?! Sigurado akong alam mo na ang iyong ipinagtatanggol at pinakamamahal na Pangulo ay nagtapos din sa Unibersidad na iyon? Kung ako'y hindi nagkakamali ay ipinagmamalaki pa niya na siya ay nagtapos ng Doctorate degree sa Ekonomiks mula sa Unibersidad. Ang ibig bang sabihin nito ay kaaway siya ng gobyerno? Kumusta naman!
Kumusta naman Raul?! Aking sasagutin ang katanungang iyan. Hindi siya kaaway ng gobyerno. Kaaway siya ng taong bayan, ng masa, ng bansa! Malaki at malalim na ang sugat na kanyang ibinigay at patuloy na ibinibigay sa ating bayan. Sawa na ang mamamayan sa kanyang pamumuno. Pakisabi nga sa kanya na pag-isipan niya ng magbitiw sa puwesto. Sabihin mo na pakinggan niya ang panawagan ng kaguruan, ng mga mag-aaral, at ng buong komunidad ng kanyang pinagmulang Unibersidad. Pakiusap lang, Raul! Kumusta naman!
Kumusta naman Raul?! Akin ng nasabi ang nais ko. Isang payo lamang, unahan mo ng umalis sa puwesto ang bosing mo. Isa ka sa mga anay sa gobyerno! Isa ka sa mga kaaway ng taongbayan! Isa kang trapo! At anong gagawin mo, ako ba'y tatakutin mo at ihahabla? Aba, huwag ka namang mag-magaling at unahan ang Pangulo sa pagdeklara ng batas militar. Wala na bang kalayaan sa pamamahayag? Kung sabagay, mula ng napunta ka diyan, palagi ka ng nananakot. At huling payo, tignan mo muna ang iyong sarili bago ka manira ng ibang tao. Malinaw ba Raul? Kumusta naman!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home